Inanunsyo na ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang SOPO o Suspension of Police Operation sa New People’s Army (NPA).
Ito ay bilang pagtalima sa unilateral ceasefire na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA.
Sa dokumentong nilagdaan ni Deputy Director General Benjamin Magalong, ipinatitigal na ang lahat ng mga operasyon ng pulis laban sa mga rebeldeng NPA.
Pero paglilinaw ni PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, hindi saklaw ng suspensyon ang mga law enforcement operations gaya ng pagsisilbi ng mga warrant of arrest at checkpoints laban sa mga masasamang elemento.
Hindi rin anya sila magpapabaya sa kanilang posisyon at handa silang dumepensa sa oras na may pag-atake sa kanilang tauhan at sa mga sibilyan.
By Jonathan Andal (Patrol 31)