Naghahanap ang pambansang pulisya ng 100 bagong mga abugado na tutulong sa mga pulis sa kanilang mga kinahaharap na kaso.
Ayon kay Supt. Arthur Llamas ng PNP Legal Service, mag iikot sila sa mga law school para makapag recruit ng mga abugadong hindi lalagpas sa 35 ang edad.
Para makahikayat, nag aalok ang PNP ng P48,000.00 bilang starting pay bukod pa sa mga allowances.
Otomatiko na rin anyang makakuha ng rangong Senior Inspector o kapitan ang abugadong papasok sa legal service.
Dadaan sa 4 na buwang training ang mga abugado para makuha nila ang mentalidad ng isang unipormadong opisyal.
Sa ngayon, 96 lamang ang mga abugado ng PNP Legal Service sa buong bansa.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal