Inamin ng Philippine National Police na sinimulan na nito ang paghahanda sa 2016 elections.
Sa katunayan, sinabi sa DWIZ ni PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na nakikipagpulong na ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno upang makabuo ng contingency measures para sa halalan.
Paliwanag ni Mayor, sa pamamagitan ng mga pagpupulong na ito ay matutukoy ang mga itinuturing na ‘hot spots’ upang matiyak ang ligtas at payapang eleksiyon.
“Meron po tayong coordination sa COMELEC, AFP at sa ibang ahensya ng gobyerno na kasama sa pagi-implement ng security measures sa eleksyon. Nagme-meeting na ang mga ahensyang ito sa national level in preparation sa eleksyon.”
By: Jelbert Perdez