Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa 2022 presidential elections.
Bahagi ng tatlong taon nilang election preparation, ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang nakatakdang pagbili ng 10 helicopters at 50 high speed water crafts.
Layon aniya nang pagbili nila ng mga kagamitan na matiyak ang mas mapayapang eleksyon para na rin maiwasan ang mga insidenteng may kinalaman sa eleksyon.
Sinabi pa ni Albayalde na bahagi rin ng paghahanda nila sa eleksyon ang pagtatalaga ng mga bagong PNP officials para sa bubuuing task force na tututok sa halalan dahil karamihan sa police generals at senior officers ay mag-reretiro na sa 2022.
Kasama rin sa tatlong taong election plan ng PNP na tiyaking hindi makapaghasik ng karahasan ang private armed groups at criminal gangs gayundin ang paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms.
—-