Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa Hulyo a-25.
Ayon kay PNP director for operations Pol. Maj. Gen. Valeriano de Leon, pinagpaplanuhan na ng kanilang ahensya ang lahat ng posibleng sitwasyon sa loob at labas ng Batasan Complex, kung saan isasagawa ang SONA ni PBBM.
Sinabi ni de Leon, na kanila munang ipaa-apruba kay PNP OIC LT. Gen. Vicente Danao Jr., ang security preparations sa nasabing aktibidad maging ang plano sa mga pagtitipon ng mga protester.
Nangako naman si de Leon na magiging maayos at mapayapa ang magiging SONA ni Marcos Jr.