Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga ipakakalat na kapulisan para sa pagbabalik ng face to face classes sa ilang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, titiyakin ng kapulisan na nasusunod ng mga paaralan ang mga ipinatutupad na minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.
Unang nag anunsiyo ang Ateneo De Manila University na unti-unti nang babalik ang in person classes ng kanilang paaralan sa Enero sa susunod na taon.
Samantala, nasa 177 paaralan naman sa Metro Manila ang kalahok sa isinasagawang pilot run ng face to face classes sa bansa na nagsimula nuong a-6 ng Disyembre.