Nagkasa ng on-the-spot verification sa mga sasakyan sa Ilocos Norte ang Philippine National Police (PNP).
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na magkasa ng crackdown laban sa mga ilegal na sasakyan sa loob ng Ilocos Norte Police Provincial Office Headquarters, Camp Captain Valentin San Juan sa Laoag City, Ilocos Norte sa tulong narin ng mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team.
Ayon kay Azurin, kanilang palalakasin ang kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad partikular na ang paghihigpit sa mga sasakyang walang plaka sa gitna ng mga insidente na kinasasangkutan ng mga puting van na ginagamit umano sa kidnapping.
Sinabi pa ni Azurin na mabisang paraanang pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) para malabanan ang kriminalidad at mapalakas ang kampanya laban sa car theft.
Bukod pa dito, hinikayat din ng PNP ang publiko partikular na ang Ilokano community na ipagpatuloy ang kanilang pagsuporta at kooperasyon sa INPPO team at PNP sa lalawigan.