Nagkasa ng panibagong salbo ng balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Apektado sa nasabing rigodon ang ilang pangunahing posisyon sa directoral staff, Police Regional Office at National Support Unit.
Ayon kay PNP Chief Debold Sinas, ang balasahan ay kasunod na rin nang pagre retiro ng ilang opisyal ng PNP tulad ni PNP HEALTH Service Director Police Brigadier General Nolasco Bathan, Police Major General Amado Empiso na Director for Intelligence at CIDG Director Police Major General Joel Napoleon Coronel.
Si Police Brigadier General Luisito Magnaye, ang tatayong director ng PNP health services habang si Police Major General Dennis Agustin ang papalit bilang director for intelligence at acting CID director naman si Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro.
Dalawampu (20) pang matataas na opisyal ng PNP ang itinalaga sa bagong posisyon na kinabibilangan nina Police Brigadier General Rodolfo Azurin, Jr. bilang acting director ng Information and Technology Management, Police Brigadier General Domingo Lucas – acting Director for Research and Development.
Bukod a ito kina Brigadier General Antonio Yarra – deputy regional director for Administration-NCRPO, Brigadier General Benjamin Acorda Jr. – deputy regional director for Operations-NCRPO, Police Brigadier General Florencio Ortilla – Director, Aviation Security Group at 15 iba pang opisyal.