Tinatayang 20 Milyong Piso ang inilaan ng Philippine National Police para sa konstruksyon ng Marawi City Police Station at iba pang community at public assistance centers sa lungsod.
Kabilang ang nasabing police station sa mga nasira sa limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
Isasagawa ng P.N.P. engineering service Bids and Awards Committee ang pre-bid conference sa Disyembre a-singko habang ang opening of bids ay sa Disyembre a-disi nwebe.
Ang Marawi City Police Station na matatagpuan sa main battle area ay isa rin sa mga naging unang target ng mga terorista nang salakayin nila ang lungsod noong Mayo a-bente tres.