Naglagay na ng hiwalay na lanes ang Philippine National Police (PNP) para sa lahat ng cargo deliveries na dadaan sa mga checkpoints.
Ayon kay PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac, random na lamang ang ginagawang inspeksyon sa mga bagahe at kargo sa likod ng sasakyan at hindi na masusi tulad ng mga nakaraang araw.
Inaasahan rin anya na mas bibilis na ang usad sa mga checkpoints ngayong mayroon nang hiwalay na lane para sa mga cargo deliveries sa NLEX at SLEX. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)