Isang helpline ang inilunsad ng Philippine National Police (PNP) para mabilis na matugunan ang mga tanong hinggil sa pag iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni PNP chief General Archie Gamboa na u-ubrang tumawag sa PNP helpline 16677 ang sinumang may katanungan.
Ayon kay Gamboa, katuwang nila ang PLDT sa paglulunsad ng PNP helpline 16677 na pangangasiwaan ng PNP Directorate for Operations-PNP Command Center.
Nakatanggap din ang PNP ng 52 unit ng mobile phones, 30 units ng pocket wi-fi, 100 pieces ng prepaid cards at enterprises SMS messaging suite mula sa PLDT.