Pinaalalahan ng PNP ang mga may ari ng ilang establisyimento na mag-ingat sa Termite Gang ngayong panahon ng Semana Santa o bakasyon.
Ang Termite Gang ang grupo ng mga kriminal na dumaraan sa ilalim ng lupa at nagnanakaw sa mga bangko, pawnshops, jewelry shops, money remittance centers at katulad na mga establisyimento.
Apela ni PNP Spokesman Police Senior Superintendent Dionardo Carlos sa publiko, agad ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may napansing naghuhukay sa kanilang mga komunidad at kung may mga bagong mukha sa kanilang lugar na may kahina-hinalang kilos.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal