Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na umalalay sa Philippine Air Force
Kaugnay iyan sa nangyaring pagbagsak ng kanilang C-130 plane sa Patikul, Sulu kahapon ng umaga na ikinasawi ng halos 50 at ikinasugat ng 53 sa panig ng mga sundalo at sibilyan
Ayon kay Gen. Eleazar, nakipag ugnayan na siya sa kaniyang “mistah” na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Cirilito Sobejana para sa anumang agarang tulong na maaari nilang ibigay
Pinatitiyak din ng PNP chief ang kaligtasan ng mga residenteng kinailangang ilikas matapos mapinsala ang kanilang kabahayan gayundin ang paghahanap sa 5 pang sundalong nawawala
Kasunod nito, nagpaabot ng kaniyang pakikiramay si Eleazar sa kanilang mga kapatid sa hanay ng AFP partikular na sa Air Force lalo na sa pamilya ng mga nasawing bayani sa kalunus-lunos nilang sinapit. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)