Muling nagpaalala sa publiko ang Philippine National Police (PNP), partikular na ang mga magbabakasyon ngayong long weekend at uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa Undas 2022.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., dapat matiyak ng mga uuwi sa probinsya ang seguridad ng kanilang bahay upang maiwasan ang mga akyat-bahay at mga nabibiktima ng pagnanakaw.
Sinabi ni Azurin na mas mainam kung ibibilin ito sa pinagkakatiwalaang kapitbahay at sa barangay.
Una nang inihayag ng PNP na nakafull alert status na ang kanilang ahensya kung saan, nasa 25,000 hanggang 26,000 mga tauhan ng pnp ang ipakakalat sa buong bansa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.