Nagpalabas ng paalala ang Philippine National Police (PNP) para sa kaligtasan ng mga nahuhumaling sa Pokemon Go.
Pangunahing paalala ng PNP ay ingatan ang cellphone habang naglalakad sa kalsada at naghahanap ng Pokemon upang hindi mabiktima ng mga snatcher at holdaper.
Maging alerto rin sa iba pang bitbit na gamit tulad ng bag.
Huwag ding ma-gtrespass at palaging humingi ng permiso sa mga may-ari ng lugar kung papasok para manghuli ng pokemon.
Iwasan din ang mga madidilim at hindi ligtas na lugar.
Huwag ding maglaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho o tumatawid ng kalsada upang hindi maaksidente.
Manatili ring alerto sa kapaligiran habang naghahanap ng Pokemon.
Mas mainam din anila kung maglalaro ng Pokemon nang may kasama.
Ang Pokemon Go ay isang augmented reality mobile game app na hahayaan kang makahuli ng pocket monsters o pokemon sa totoong kapaligiran.
By Ralph Obina