Mahigit 600 pulis ang ipinakalat ng PNP para magbantay sa pamamahagi ng ayuda sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon ito kay PNP Spokesperson Brigadier General Ronaldo Olay, bilang dagdag puwersa na rin sa iba pang otoridad na nagbabantay sa ayuda distribution tulad ng Barangay officials.
Ipinabatid pa ni Olay na nakita mismo ni PNP Chief Gullermo Eleazar ang maayos na pamamahagi ng ayuda sa apat na lugar na pinuntahan mismo nito para makita ang sitwasyon.
Ayos naman, at lahat ay sumusunod sa pila sa pagkuha ng kanilang ayuda at nakipag-enggage pa nga siya sa mga local leaders doon sa mga pinuntahang siyudad. Dito sa San Juan pinuntahan nya ‘yan, sa may Mandaluyong, sa Manila tsaka Quezon City. ‘Yong ating NCRPO naman ay naglatag din ng kanilang security sa mga bigayan ng ayuda. At merong 1,192 na personnel na ginamit sa security elements natin. At syempre hindi naman lahat magagampanan ‘yan. May katuwang tayo mga cross multipliers from the barangay. 803 ang nagamit natin dyan.
Si PNP Spokesperson Brigadier General Ronald Olay sa panayam ng DWIZ.