Nagpakalat ng mga pulis ang PNP sa bisinidad ng mga paaralan ngayong unang araw ng pag-arangkada ng face-to-face classes sa NCR.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, inatasan na niya ang NCRPO para tukuyin ang sizable number o kung ilang pulis lang ang kakailanganin sa paligid ng mga paaralan.
Nilinaw rin ni Carlos na hindi na bago sa kanila ito at may template na rin silang sinusunod tulad ng mga nakalipas nilang deployment bago pa sumiklab ang pandemiya ng COVID 19.
Gayunman, ang tanging adjustment lang na gagawin ng PNP ay matiyak na nasusunod pa rin ng mga mag-aaral ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala