Nagpapasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa nagawa ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, sa liderato ng Pangulong Aquino ay naging one is to one ang ratio ng baril at pulis.
Hindi tulad aniya noon na hinihintay pa na magretiro ang isang pulis para magamit ng iba ang iiwanan nitong armas.
Sinabi pa ni Mayor na sa ilalim ng administrasyong Aquino, nadagdagan ang kanilang mga radyo, police mobile at iba pang mga kagamitan sa pag-iimbestiga ng krimen, at nadagdagan din ang kanilang allowance.
Dahil dito, nagpapasalamat ang PNP kay Pangulong Aquino sa tulong nito sa 6 na taon niyang panunungkulan sa Malacañang.
By Meann Tanbio