Nahaharap sa patong-patong na reklamo si Vice President Sara Duterte kasunod ng nangyaring tensyon nang ilipat si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez sa Veterans Memorial Medical Center mula sa House of Representatives Detention Center noong weekend.
Ayon sa Philippine National Police, maliban kay VP Sara, sinampahan din ng reklamo sina Vice Presidential Security and Protection Group Head Colonel Raymund Dante Lachica, at iba pa.
Kabilang sa isinampang kaso ang direct assault, disobedience to authority, at grave coercions, na inihain ni Dr. Van Jason Villamor ng PNP Health Service at ng kanyang testigo sa Quezon City Prosecutor’s Office.