Nagtalaga ng 133 public information officers (PIO) ang Philippine National Police (PNP) bilang point persons sa seguridad ng media ngayong 2022 Election.
Ayon kay PNP chief general Dionardo Carlos, papangasiwaan nito ang ilang isyu kung saan sangkot ang mga mamamahayag.
Si PNP spokesperson Brigadier General Roderick Alba ang itinalaga ni Carlos bilang focal person sa Camp Crame.
Habang nakatalaga sa iba’t ibang regional offices ang chief ng mga regional public information offices.
Ayon kay Carlos, malaki ang gampanin ng media para sa darating na eleksyon kaya kailangan silang pagtuunan ng pansin. —sa panulat ni Abby Malanday