Umabot sa 17 manggagawang Malaysian nationals ang matagumpay na nasagip ng operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Royal Malaysian Police sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Klaire One Corp. sa Kawit, Cavite.
Ito’y sa pamamagitan ng ikinasang operasyon ng Regional Intelligence Division 4A, Provincial Intelligence Unit, Cavite Police Provincial Office, at Kawit Municipal Police Station.
Kasunod ito ng paghingi ng tulong ng mga naturang Malaysian nationals dahil sa poor working conditions na kanilang naranasan mula sa pinagtatrabahuhang kompanya.
Habang dinala naman ang mga nasagip sa kay Supt. Norazman Hassan Basari, Police Attache of Malaysian Police upang makauwi ang mga ito sa Malaysia