Kinatigan ng pambansang pulisya ang inilabas na survey ng SWS o Social Weather Stations na siyam (9) sa bawat sampung (10) Pilipino ang naniniwalang dapat buhay na naaaresto ang mga suspek sa iligal na droga.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, nais din nilang buhay na naaaresto ang mga drug suspect sa kanilang mga ikinakasang drug operations.
Patunay aniya dito ang isandaan at siyam na libong (109,000) naaresto at ang isa punto dalawang milyong (1.2-M) drug surenderees sa mahigit isang taong war on drugs ng pamahalaan.
Magugunitang inihayag mismo ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na walang masasawi sa mga ikinakasang operasyon kung walang manlalaban.