Nais ng PNP o Philippine National Police na palitan ng marines ang Special Action Force (SAF) na nagbabantay sa NBP o New Bilibid Prison.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, pahapyaw na niyang nabanggit ito sa Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi na nasundan pa.
Sinabi ni Dela Rosa na ginawa nya ito matapos ibunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagbalik na ang operasyon ng illegal drugs sa NBP at posibleng sangkot ang ilang SAF Commandos.
Kinausap na rin anya nya AFP Chief of Staff General Eduardo Año subalit tumanggi umano ito dahil abala pa ang kanilang hanay sa pakikipag-bakbakan sa Mindanao partikular sa Marawi City.
Una nang hiniling ni Aguirre sa PNP na palitan na ang SAF Commandos na nakatalaga sa NBP dahil posibleng napalapit na ang kalooban ng mga ito sa ilang mga bilanggo doon.
By Len Aguirre | With Report from Jonathan Andal