Naka-alert status na ang buong Philippine National Police (PNP) ilang araw bago ang inagurasyon ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, mas maghihigpit ang kanilang ahensiya para sa seguridad ng publiko kasabay ng pag-upo ng susunod na pangulo ng bansa.
Sinabi ni Fajardo na “All Systems Go” na ang kanilang ahensya para sa Oath Taking Ceremony ni PBBM na gaganapin sa National Museum.