Nakahanda ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para sa posibleng pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Partikular na inalerto ng PNP ang mga lugar sa bansa na may presensya ng mga rebeldeng grupo.
Ito ay matapos tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Ayon sa PNP, kanilang susundin ang nais ng Pangulo na walang ceasefire ngayong kapaskuhan.—sa panulat ni Angelica Doctolero