Naka-full alert na ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa idaraos na ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit ngayong linggo.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, kahapon pa sila nag-deploy ng mga tauhan para tiyakin ang kaayusan at seguridad ng ASEAN Summit.
Inatasan din ni Dela Rosa ang mga pulis na i-monitor ang event sa buong maghapon.
Umaasa ang PNP Chief na walang anumang insidenteng may kaugnayan sa seguridad ang maitatala sa naturang event.
Ang full alert status ay tatagal hanggang sa patapos ang ASEAN Summit.