Naka-full alert na ang Philippine National Police bilang bahagi ng security preparations para sa May 9 elections.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, idineklara ang full alert status simula ala sais kahapon ng umaga.
Nangangahulugan ito na dapat mag-duty ang lahat ng pulis kaugnay sa paghahanda sa halalan.
Inihayag naman ni AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino na idedeklara ng militar ang red alert status simula bukas.
Ito’y upang matiyak na handa ang lahat ng sundalo para sa eleksyon sa lunes.
Kasado na rin anya ang lahat ng preparasyon at plano ng militar at nakapaglagay na rin sila ng monitoring command centers.