Nananatili sa full alert ang Philippine National Police (PNP) hanggang bukas, November 3.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, mahigpit pa rin ang pagbabantay nila sa mga terminal, paliparan at daungan para matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga nagsiuwian sa probinsya.
Sinabi ni Mayor na nairaos naman ng mapayapa sa buong kapuluan ang Undas.
By Len Aguirre | Ratsada Balita