Naka-full alert status na ngayon ang Philippine National Police (PNP) para sa araw ng mga manggagawa bukas at sa araw ng eleksyon sa Mayo 9.
Ibig sabihin nito, ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, kanselado ang lahat ng bakasyon ng mga pulis sa buong bansa at dapat nasa kani-kanila itong mga kampo at istasyon para sa posibleng deployment anumang oras.
Lahat din ng pulis na nasa schooling at mga seminar ay pinabalik na sa kani-kanilang mga himpilan.
Sinimulan na rin ng PNP ang pagdedeploy ng mga pulis sa mga lugar na itinuturing na election watch list.
Sa kabilang dako, nakatakda namang itaas sa heightened alert ang status ng Armed Forces of the Philippines sa susunod na linggo.
By Jonathan Andal