Inilagay na sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa Undas 2019.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen Bernard Banac, ipapakalat sa buong bansa ang kabuuang 35,618 na pulis para sa ilalatag na seguridad.
Idedeploy ang naturang mga pulis sa mga sementeryo, paliparan, pantalan, bus terminals, istasyon ng tren at malls.
Bukod sa mga pulis, magpapakalat din ng mga halos 100,000 mga force multipliers na kinabibilangan ng barangay officials, medical, fire at rescue volunteers.
Nilinaw naman ni Banac na wala pang namomonitor na kahit anong banta sa seguridad.