Naka-heightened alert na ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa matapos ang magkasunod na pambobomba sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.
Sa ilalim ng heightened alert status, inaatasan ang mga regional police director na paigtingin ang seguridad upang mapigilan ang anumang kahalintulad na insidente.
Paiigtingin din ang checkpoint operations at implementasyon ng election gun ban.
Ang heightened status ang ikalawang pinakamataas na antas ng kahandaan ng PNP.
Dalawampu (20) na ang patay at mahigit isandaan (100) ang sugatan sa mga pagsabog na naganap sa kalagitnaan ng misa sa loob at labas ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral, kahapon.
—-