Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagkilos ng New People’s Army o NPA kasabay ng nalalapit na ika – 49 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Kasabay nito, pinakilos na ng PNP ang kanilang tactical at maneuver units para tumulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga komunistang rebelde.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Director Camilo Pancratius Cascolan, batay sa kanilang mga datus, karaniwang nagsasagawa ng mga opensiba, pagsalakay at pananabotahe ang CPP – NPA bilang bahagi ng kanilang anibersaryo.
Dagdag ni Cascolan, sa ipinalabas na memorandum ng PNP, kanilang inaatasan ang lahat ng police units na bumuo na ng mga hakbang laban sa mga posibleng pag – atake ng mga rebelde.
Ipinag – utos na din aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at seguridad sa buong bansa.