Handang irekomenda ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa PNP ang paghawak sa mga operasyon kontra illegal na droga sa bansa.
Ayon kay Dela Rosa, gagawin niya ang hakbang sakaling lumala pa at manumbalik na naman sa kalsada ang bentahan ng illegal na droga.
Samantala, muling sinabi ni Dela Rosa na nakahanda ang PNP na bigyang suporta ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para matuldukan ang problema ng illegal na droga sa bansa.
Matatandaang, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Duterte na tanging PDEA na lamang ang siyang may exlusibong mandato para sa war on drug ng gobyerno.
—-