Nakahanda ng PNP o Philippine National Police na magpatupad ng warrantless arrest laban sa lahat ng mga pinalayang bilanggo ng BuCor o Bureau of Corrections sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ito ay sakaling ipag-utos ng Department of Justice ang pagpapawalang bisa ng release orders sa mga nakalayang bilanggo.
Pag-amin pa ni Albayalde, kanyang ikinabahala ang maagang pagpapalaya ng BuCor sa halos 2,000 preso lalo na ang mga nahatulan dahil sa mga karumal dumal na krimen.
Kaugnay nto, magtatalaga aniya sila ng mga liason officers sa DOJ at BuCor para masubaybayan ang mga maagang mapapalayang preso sa hinaharap na magiging bahagi rin ng reintegration ng mga ito sa lipunan.