Nakapagtala ang PNP o Philippine National Police ng labing dalawang (12) kaso ng indiscriminate firing sa nakalipas na sampung araw.
Ayon sa PNP, tatlong katao ang kumpirmadong nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala.
Karamihan naman sa mga kaso ng indiscriminate firing ay naganap sa Metro Manila habang pitong katao na ang naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.