Muling tumaas sa 630 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang madagdagan ng 52 ang mga bagong kumpirmadong kaso ng virus dahilan upang umakyat sa 10,374 ang kabuuang bilang nito.
Ayon sa administrative support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) batay sa datos ng PNP health service, nanguna ang national support unit sa mga nagtala ng pinakamaraming bagong kaso na nasa 13.
Sampu (10) naman ang naitala sa calabarzon, anim ang naitala sa Cordillera, tig-lima sa NCRPO at Eastern Visayas, tig-tatlo ang naitala sa Ilocos Region at Central Luzon.
Dalawa naman ang naitala sa Caraga Region haabng tig isa ang naitala sa national headquarters sa Kampo Crame, Bicol, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region.
Samantala, nakapagtala naman ang ascotf ng 37 bagong gumaling sa sakit dahilan upang umakyat sa 9,715 ang kabuuang bilang nito habang nananatili sa 29 ang bilang ng mga nasawi.