Umakyat na sa 9,525 ang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos na magpositibo ang 61 nitong tauhan.
Gayunman, sumirit naman sa 9,062 ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya, makaraang gumaling ang 18 PNP personnel.
Samantala, aabot sa 435 ang active cases sa loob ng organisasyon habang nananatili naman sa 28 ang kanilang death toll.