Nakapagtala ng karagdagang 26 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP Health Service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 9,621.
Nasa 495 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos, nadagdagan din ng 11 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 9,098.
Samanatala, nananatili namang nasa 28 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)