Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang mga kinauukulang departamento sa PNP para tutukan ang nangyayaring krisis umano sa Iglesia ni Cristo o INC.
Kasunod nito, ipinauubaya naman ng PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Quezon City Police District o QCPD ang mga contingency measures na may kaugnayan sa sigalot sa loob ng Iglesia.
Gayunman, sinabi ni CIDG Dir. Chief Supt. Benjamin Magalong na handa sila sa mga posibleng scenario sakaling lumala ang sitwasyon.
Sa pahayag naman ng tagapagsalita ng PNP na si C/Supt. Wilben Mayor, bahala na ang QCPD na magtiyak sa kaayusan at katahimikan sa paligid ng INC Compound.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal