Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kalusugan at pangangatawan ng kanilang mga tauhan.
Ito’y makaraang ilunsad ng Pambansang Pulisya ang ”Oplan Chubby Anonymous” na naglalayong panatilihin ang tamang timbang ng mga pulis na angkop sa kanilang body mass index o BMI .
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kanila aniyang isinabay ang paglulunsad ng nasabing programa sa paggunita ng “World Obesity Day”.
Dalawampung (20) pulis ang lumahok sa programa kung saan ay tumanggap sila ng weight loss pills kaakibat ng konsultasyon mula sa doktor at tamang diet
Sabay-sabay din silang sasalang sa regular na exercise tuwing Martes, Huwebes at Sabado sa loob ng 4 hanggang 10 minuto sa saliw ng awiting “Voltes V”.
LOOK: PNP, nakiisa sa paggunita ng World Obesity Day | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/qDb4zaBvhs
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 5, 2021