Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) partikular ang Criminal Investigation And Detection Group sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay para sa pag-aresto sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na hintulan ng reclusion Perpetua sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, natanggap nila ang naturang utos mula kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Kasunod nito, sinabi ni Sinas na kanya nang inatasan ang CIDG na kumuha ng kopya ng conviction mula sa korte para gawing batayan ng pag-aresto.
Tiniyak naman ni Sinas na nakahanda sila pangasiwaan ang maayos na pag-turn over sa mag-asawang Tiamzon sa korte sakaling maisipan ng mga itong makipag-ugnayan sa kanila para sumuko.
Taong 2014 nang maaresto ang mag-asawa sa aloguisan Cebu City pero pansamantalang pinalaya noong Agosto 2016 para makibahagi sa usapang pangkapayapaan bilang consultant ng National Democratic front of the Philippines. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)