Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) para hubaran ng maskara ang nag-deposit ng 550,000 pesos sa bank account ni self-confessed gunman Joel Escorial sa pagpaslang kay broadcaster Percy Lapid.
Ipinabatid ni Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Kirby Kraft na nakikipag-ugnayan na sila sa bangko at maging sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC).
Malalaman dito aniya kung sino ang mastermind sa pagpatay kay Lapid kahit pa nasawi na ang itinuturong middleman sa kaso na si Crisanto Villamor.
Sinabi ni Kraft na tiniyak ng BJMP sa PNP na ise-secure nila ang ikalawang middleman matapos masawi si Villamor sa custody ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon pa kay Kraft, nakakatanggap rin sila ng report hinggil sa naiispatang mga suspek sa nasabing kaso sa mga hindi tinukoy na lugar.