Nakikipag ugnayan na ang PNP o Philippine National Police sa INTERPOL o International Criminal Police Organization hinggil sa pag aresto kay CPP o Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison.
Ayon kay PNP Spokesperon Police Brigadier General Bernard Banac, ang pagbibigay ng impormasyon sa kanilang counterpart sa abroad ay isa sa kanilang standard procedure.
Aniya, mahalagang maimpormahan ang mga ito dahil tinitingnan din nila ang kaligtasan ng kani kanilang mga bansa.
Dagdag pa ni Banac, lahat ng impormasyon sa mga pilipinong may standing warrant of arrest sa ibang bansa ay kanilang ibinibigay sa mga concerned agencies.
Matatandaang inilabas ang warrant of arrest laban kina Sison at higit 30 katao ng Manila Regional Trial Court Branch 32 noong ika 28TH ng Agosto dahil sa Inopacan Massacre.