Inatasan na ng Philippine National Police ang lahat ng kanilang unit sa buong bansa na paigtingin ang mga inilatag na opensiba laban sa New Peoples Army o NPA na itinuturing ng teroristang grupo ng pamahalaan.
Ayon kay Director Camilo Pancratius Cascolan, hepe ng Directorate for Operations ng PNP, posible kasing nagpaplano na ngayon ng mga pag-atake ang NPA kasabay ng nalalapit na 49th anniversary ng Communist Party of the hilippines o CPP sa Disyembre 26.
Pahayag ni Cascolan, nakipag-ugnayan na ang pambansang pulisya sa Armed Forces of the Philippines o AFP para sa kanilang mga ikinasang opensiba laban sa teroristang grupo.
Matatandaang kamakailan lamang, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation no. 360 na nagdedeklara sa NPA na bilang terrorist organization kasabay ng pag-terminate ng peace talks sa komunistang grupo.