Kabilang ang pagsasagawa ng mga kilos – protesta ng mga militanteng grupo sa pinaghahandaan ng Philippine National Police (PNP sa mismong araw ng inagurasyon ni President -elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naka-kasa na ang kanilang civil disturbance management contingents upang masiguro ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng demonstrasyon ng ibat-ibang grupo.
Pinayuhan naman ni Fajardo ang mga magsasagawa ng kilos protesta na upang matiyak na walang malalabag na batas, dapat na maaga pa lamang ay kumuha na sila ng permit sa lokal na pamahalaan.
Paalala ni Fajardo, hindi nila pipigilan ang sinumang grupo na maghayag ng kanilang saloobin basta’t gawin lamang ito sa mga itinakdang lugar gaya ng freedom park o mga parke.
Hiling lamang ng PNP sa mga demonstrador na bigyang pagkakataon na mairaos ng mapayapa ang inagurasyon ni incoming President Marcos Jr., nang walang magaganap na anumang sakitan o iringan.