Nakiusap ang Philippine National Police sa publiko na iwasang magpakalat ng mga text messages na magdudulot ng alarma sa publiko.
Kasunod na rin ito ng umiikot s a text na baka mangyari sa bansa ang malagim na nangyari sa Paris, France.
Sinabi sa DWIZ ni PNP Spokesman Pol. Chief Supt. Wilben Mayor na hindi makakatulong ang mga ganitong mensahe .
“Sana naman po ay wag tayong gumawa ng ganoon dahil ayaw nating magkaroon ng alarma sa ating mga kababayan. Ang aming assurance dyan, nakita nyo naman ang paghahanda ng ating gobyerno, ang hiling na lang natin sa mga mamamayan ay makipagtulungan,” paliwanag ni Mayor.
No cash allowance on APEC
Samantala, nilinaw ng Philippine National Police na walang cash allowance na inilaan para sa mga pulis na magbabantay sa Asia Pacific Economic Coopertation (APEC) leaders’ summit.
“Ang ating kapulisan ay may meal package, ang katumbas po nyan P300 per day. Pero wala po yang cash allowance. Pangawala, base nga sa program ng ating Chief PNP, priority ang health, patuloy ang paglalagay ng vaccine.”
Matatandaang naintriga ang cash allowance ng mga pulis na nagsilbi noong Pope visit dahil bukod sa binawasan na ay matagal bago ito nakuha ng mga pulis.
By: Ailleen Taliping (patrol 23)