Ibinunyag ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang umano’y planong pag-atake ng NPA o New People’s Army .
Ito’y bago o sa mismong araw ng ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Kasunod nito, nanawagan si Dela Rosa sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan lalo’t nahaharap na naman ang bansa sa panibagonbg banta ng karahasan.
Sa kabila ng naturang impormasyon, tiniyak naman ni Dela Rosa na magpapatuloy ang hakbang ng pamahalaan para sa isang peace agreement nito sa mga rebeldeng komunista.
Dahil dito, sinabi ng PNP Chief na kanila nang sinumulan ang mga paglalatag ng contingency plan bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng mga rebelde.
By: Jaymark Dagala
PNP nanawagan ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882