Umapela ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga militanteng grupo na magkakasa ng kanilang mga kilos protesta sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, bagama’t paiiralin pa rin ng pnp ang maximum tolerance subalit kailangan nilang balansehin ang sitwasyon dahil nahaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Umaasa ang PNP chief na mauunawaan ng mga lider militante ang sitwasyon at makikipagtulungan ang mga ito upang maiiwas sa peligro ang mga makikiisa sa mga ikinakasang pagkilos.
Sa panig naman ni PNP Directorate for Opertions Chief P/Mgen. Emmanuel Luis Licup, tiniyak nito ang kahandaan ng National Capital Region Police office (NCRPO) at ng Quezon City Police District (QCPD) para bantayan ang paligid ng batasang pambansa.