Nakiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga magpoprotesta sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr., sa July 25 na makinig sa plano nito para sa bansa at i-monitor ang performance ng termino ng Pangulo.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, dapat na respetuhin ang boses ng 31 Million Filipinos na bumoto kay Marcos Jr. noong nagdaang eleksyon.
Makakabuti aniya sa mamamayan na makinig sa sasabihin ng Punong Ehekutibo dahil dito ilalatag ang direksyon ng bansa sa susunod na anim na taon.
Giit ni de Leon na papayagan pa rin ang mga rally sa araw ng SONA pero ito ay maaari lamang gawin sa Local Government Unit-permitted areas at freedom parks.
Nabatid na magaganap ang sona ni pangulong marcos jr. sa Batasang Pambansa.