Nanawagan sa mga residente ng Cebu si Philippine National Police Director for Operations at Joint Task Force COVID Shield Deputy Commander PMGEN. Valeriano de Leon na magkaroon ng boluntaryong pagsuot ng facemask sa pampublikong lugar.
Kasunod ito ng kautusan ng Cebu Provincial Government na nagpawalang bisa sa “mandatory” na pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay De Leon, makakabuti at mas magiging ligtas kung patuloy na magsusuot ng facemask ang bawat isa dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19 maging ang mga bagong variants.
Sa ngayon, inatasan ang mga tauhan ng PNP na magkasa ng “maximum tolerance” sa mga hindi naka-face mask at paalalahanan hinggil sa umiiral na polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF).